Wednesday, April 29, 2026

MAHIGIT ₱54K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BUY-BUST SA BOLINAO; SLI, TIMBOG

Arestado ang isang 28-anyos na lalaki sa Bolinao, Pangasinan matapos makumpiska ang 8 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱54,400, sa isinagawang implementasyon ng search warrant noong Abril 28, 2026.

Ikinasa ng Bolinao Municipal Police Station ang operasyon sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 1, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kabilang umano sa street-level individual (SLI) at residente ng nasabing bayan.

Bukod sa iligal na droga, nasamsam din sa operasyon ang iba’t ibang drug paraphernalia kabilang ang mga glass tube, rolled aluminum foil at iba pang kagamitan na umano’y may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bolinao MPS ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments