Mahigit ₱27 milyong halaga ng shabu, nakuha sa tatlong drug suspek sa Angono, Rizal

Arestado ang tatlong high value drug personalities sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal kahapon.

Kinilala ang tatlong naarestong high value drug personalities na sina Aries Apelena alyas “Axel”, Dennis Delo Santos alyas “Dennis” at Mariz Sedaya alyas “Zyra”.

Nakuha sa kanila sa ikinasang operasyon ang 12 transparent plastic sachets na may lamang shabu at may bigat na 4 na kilo at limang gramo na nagkakahalaga ng ₱27,234,000.00.


Sa ngayon, nahaharap na ang mga drug suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni outgoing Philippine National Police Chief General Dionardo Carlos ang local police sa Rizal dahil sa matagumpay na drug operation.

Facebook Comments