Mahigit 100,000 plaka ng sasakyan, ide-deliver ng LTO ngayong araw

Personal na pinangasiwaan ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang pag-deliver ng mga bagong license plate sa tanggapan ng Land Transportation Office o LTO.

Ayon kay Sec. Bautista, aabot sa 108,400 na plaka ng sasakyan ang idineliver ngayong araw.

Paliwanag ng kalihim may mga plaka pa na ide-deliver bukas maging sa mga susunod na araw.


Unang bahagi pa lang aniya ito ng 16 milyon na plaka na ide-deliver sa loob ng 20 buwan.

Kumpiyansa naman ang kalihim na malulutas ng ginagawamg pagde-deliver ng plaka ang kasalukuyang backlogs ng plaka.

Nangako rin umano ang nananalong bidder na Trojan Tonjes Venjure na kaya nilang mag-deliver ng 60,000 na plaka kada linggo.

Dagdagpa ni Bautista na aabot sa ₱3.8 billion ang halaga ng kontrata ng plaka.

Facebook Comments