Mahigit 150 libong food packs ang naipamahagi ng Pasig City Government sa mga Barangay

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na umaabot na sa 159,062 na mga food packs ang nai-deliver sa tinatayang 164,825 mga mahihirap na nakatira sa Pasig City.

Ayon kay Mayor Sotto, malaking tulong ang maraming mga Pribadong Sector ang tumulong sa kanila upang mabigyan ng mga food packs ang maraming mga mahihirap na residente ng Lungsod.

Paliwanag ng Alkalde, tinatayang 96.5% ay nakatanggap na mula sa City Hall bukod pa sa mga Barangay at Pribadong Donor.


Dagdag pa ni Mayor Sotto, mayroon pa naman pangalawang bigayan kaya’t humihingi siya ng pasensiya sa mga nahuli o hindi pa nabigyan dahil hindi umano madali ang biglaang operations ng pagbibigay ng mga relief goods.

Nagpapasalamat ang Alkalde sa lahat ng mga tumutulong, kung saan ay inaayos na din nila ang bonus/incentive ng mga team leaders at volunteers.

Facebook Comments