Mahigit 160,000 indibidwal, naapektuhan ng nagdaang sama ng panahon

Nadagdagan pa ang bilang ng mga naapektuhan ng sama ng panahon nitong Pasko.

Sa datos National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) lumobo pa sa 44,282 pamilya o katumbas ng 166, 357 indibidwal ang apektado.

Ang mga nabanggit na indibidwal ay mula sa mahigit 300 barangay sa MIMAROPA, Regions 5, 8, 9, 10 at BARMM.


Sa nasabing bilang 10,536 pamilya o 45, 337 na mga indibidwal ang pansamantalang sumisilong sa 87 evacuation centers habang ang nasa mahigit 3,000 pamilya ay mas piniling makituloy muna sa kanilang mga kamag-anak.

Facebook Comments