
Patuloy na bumaba ang mga pangunahing krimen sa buong bansa kasunod ito ng maigting na implementasyon ng Safer Cities Initatives ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling monitoring period noong April 6 hanggang May 6, mula sa 3,047 na mga kaso ng focus crimes, ito’y bumaba ng 2,684 na kaso na lamang kung saan nagpapakita ito ng 12 percent overall reduction sa krimen.
Kabilang sa mga focus crimes ang rape, physical injury, homicide, murder at robbery.
Nakapagtala rin ang organisasyon ng mataas na performance sa Crime Clearance Efficiency (CCE) at Crime Solution Efficiency (CSE) .
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagbaba ng focus crimes ay resulta ng tuloy-tuloy na trabaho ng mga kapulisan kasama na dito ang suporta ng mga komunidad at lokal na pamahalaan.
Dagdag pa ni Nartatez, mananatili silang nakafocus sa pagpapabuti ng mga imbestigasyon at mabilis na pagresponde sa mga insidente.










