Thursday, May 14, 2026

SP Sotto, nakudeta na; Sen. Cayetano, bagong Senate President

Tuluyang na-kudeta na si Senate President Tito Sotto III sa kaniyang pwesto.

Kanina sa sesyon sa plenaryo ay tumayo si Senator Alan Peter Cayetano para ipaalam kay Sotto na may bilang sila para hilingin ang pagbakante sa posisyon ng Senate president.

Si Senator Joel Villanueva ang nagmosyon para ideklarang bakante ang posisyon ng Senate president at iba pang matataas na posisyon sa Mataas na Kapulungan.

Sa botong 13 na pabor, 9 na tutol at dalawang abstain ay tuluyang nabakante kanina ang posisyon ng Senate president.

Kasunod nito ay pinagbotohan ang bagong Senate president kung saan parehong na-nominate sa posisyon si Sotto at Cayetano.

Si Cayetano ang nakakuha ng 13 na boto, habang si Sotto naman ay nakakuha ng siyam at may dalawang nag-abstain na sina Senators Migs Zubiri at JV Ejercito.

Agad na nanumpa si Cayetano bilang bagong Senate president.

Samantala, nailuklok naman na Senate President pro-tempore si Senator Loren Legarda.

Facebook Comments