
Maglalabas muli ng Subpoena ang Philippine National Police (PNP) laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, itutuloy nila ang nasabing pagbibigay ng subpoena laban sa senador kasunod ng ulat na ito at nakalabas na ng Senado kaninang madaling araw.
Nabatid na binawi nila kahapon ang una nitong binigay na subpoena sa kaniya bilang pagrespeto sa institusyon ng Senado kaugnay ng Senate protection order na in-issue nila para kay Senator Dela Rosa.
Binigyang diin naman ni Tuaño na hindi pa nila magagawang arestuhin si Dela Rosa kahit may arrest warrant na ito mula sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay dahil wala pang natatanggap ang PNP na kautusan mula sa National Central Bureau (NCB)/Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) na syang local branch ng INTERPOL sa bansa.










