Wednesday, May 13, 2026

Sen. Dela Rosa, kumanta ng PMA Hymn para umapela ng suporta sa mga kabaro sa gitna ng warrant of arrest ng ICC

Kinanta ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang Philippine Military Academy (PMA) Hymn sa harap ng media kanina.

Buong pusong inawit ni Dela Rosa ang bahagi ng PMA Hymn na aniya’y isang mapayapang paraan ng paghingi niya ng suporta sa mga mistah sa akademya sa gitna na rin ng inilabas na warrant of arrest laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Dela Rosa, hiling niya ang suporta ng bawat kabaro at mga kapwa sundalo na huwag payagan na ipagkanulo siya sa mga dayuhan sabay giit na sa mahabang panahon ay naging matapat siya sa pagseserbisyo sa bansa at sa mga Pilipino.

Ipinaalala din ni Dela Rosa na ang PMA Hymn ay ang paggiit ng pagiging malaya o soberenya ng bansa hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Itinataguyod din aniya ng PMA Hymn ang values na pinahahalagahan ng akademya ang courage, integrity at loyalty.

Si Dela Rosa ay bahagi ng PMA Sinagtala Class of 1986.

Facebook Comments