
Kauuwi lang ngayong umaga ng mahigit 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa bansang Kuwait na naiipit ng giyera doon.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan, 323 na mga OFW na nag-avail ng repatriation ang nakauwi na sa bansa.
Aniya, sa Kuwait pa lamang ay mahigit 3,000 ng mga Pinoy workers ang nakauwi dito sa Pilipinas.
Sa Mayo 19 at 20 ay mayroon pang karagdagang 250 na mga OFW ang dadating sa bansa mula Kuwait.
Samantala, papalo na sa 10,000 ang mga Pinoy na nasa Middle East ang nakauwi na sa bansa mula nang sumiklab ang US-Israel, Iran war.
Facebook Comments










