Saturday, July 11, 2026

Mga tripulante ng MV Hondius na naka-quarantine sa Amsterdam, Netherlands, nasa maayos na kalagayan at walang sintomas ng hantavirus

Pinaghahandaan na rin ng Department of Migrant Workers o DMW ang pagpapauwi sa mga tripulante ng MV Hondius na kasalukuyang naka-quarantine sa Netherlands.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, 21 sa mga Pinoy seafarers ngayon ang naka-quarantine na sa Amsterdam.

Ang 17 naman ay biyaheng Rotterdam na rin para i-quarantine.

Aniya, nasa anim na linggo ang quarantine ng naturang mga Pilipino kaya’t hindi pa tiyak kung kailan sila uuwi ng bansa.

Tiniyak naman ni Cacdac ang tulong na ibibigay sa mga seafarers pagbalik sa bansa.

Kung maalala ang mga Pinoy ay nasa MV Hondius kung saan tinamaan ng hantavirus ang ilang pasahero.

Facebook Comments