Nagsagawa ng information and awareness lecture ang mga tauhan ng San Carlos City Police Station para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) at Barangay Health Workers (BHW) sa Barangay Capataan, San Carlos City noong Mayo 21.
Tinalakay sa aktibidad ang Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, kabilang ang iba pang kaugnay na batas at mga kaukulang parusa sa mga paglabag.
Kasama rin sa naging talakayan ang pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad, limitasyon sa paggamit ng videoke hanggang alas-10 ng gabi, pagbabawal sa paglalakad nang walang damit pang-itaas sa pampublikong lugar, at pagbabawal sa pag-inom ng alak sa gilid ng kalsada.
Bahagi ang aktibidad ng training program para sa mga barangay personnel sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









