Monday, May 18, 2026

NBI volunteer driver na inaresto dahil sa pagpapaputok sa Senado noong Miyerkules, pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa

Pansamantalang nakalaya ang National Bureau of Investigation (NBI) volunteer driver na si Mel Oragon.

Ito ay matapos itong makapagpiyansa sa Pasay City court ng ₱116,000 para sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Direct Assault.

₱80,000 ang inirekomenda ng korte na piyansa para sa kasong Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act , ₱36,000 para sa Direct Assault.

Si Oragon ay inaresto nitong Miyerkules, May 13, 2026, ng Senate Security Detachment matapos ang shootout sa Senate building sa loob ng GSIS Compound.

Una nang inihayag ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo rin si Oragon sa gunpowder nitrates.

Samantala, nagtungo kanina sa NBI ang mga tauhan ng PNP-CIDG, kasama si CIDG NCR Dir. Col. John Guiagui kaugnay ng kanilang imbestigasyon sa insidente ng putukan sa loob ng Senado.

Facebook Comments