Wednesday, May 20, 2026

NBI, hindi pa makagalaw bagama’t binasura ng Korte Suprema ang TRO ni Sen. Dela Rosa

Hindi pa makagalaw ang National Bureau of Investigation (NBI) para sa posibleng pag-aresto kay Senador Ronald dela Rosa.

Ito ay bagama’t na-deny ng Korte Suprema ang kahilingang temporary restraining order ni Dela Rosa.

Ayon kay NBI Spokesman Palmer Mallari, pag-aaralan pa nila ang resolusyon ng Supreme Court dahil ang niresolba pa lamang aniya ng High Tribunal ay ang “prayer for interim relief.”

Sa kabila nito, tiniyak ni Mallari na nakahanda ang pwersa ng NBI sa pag-aresto kay Dela Rosa.

Kinumpirma rin ni Mallari ang hawak nilang kopya ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa senador.

Tumanggi naman si Mallari na magbigay ng detalye hinggil sa impormasyon na nakalap ng NBI sa kinaroonan ni Dela Rosa.

Facebook Comments