Mahigit 400 candidate soldiers, isinalang na sa basic training

74

Sinasanay na ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang 424 na candidate soldiers sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal.

Ang bilang na ito ay binubuo ng 401 lalaki at 23 babaeng recruit, kung saan 90 ang college graduate, 214 ang senior high graduates at 17 ang katutubo.

Sila ay sasailalim sa 16 na linggong pagsasanay sa 2nd Division Training School.


Binati naman ni 2nd Infantry Division Commander Major General Rowen Tolentino ang mga candidate soldiers sa pagkakapasa sa mahigpit na proseso ng aplikasyon.

Hamon ni Maj. Gen. Tolentino sa mga soldier candidate na ito na huwag sayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila para makapagsilbi sa bayan.

Facebook Comments