
Muling binuhay ni Senator Robinhood Padilla ang mas mahigpit na promotion ng sugal sa online kasabay ng apela na suportahan ng mga kapwa senador ang Senate Bill 374.
Layon ng panukala na patawan ng mabigat na parusa at ipagbawal ang online publication at promotion ng mga gambling-related content kabilang ang advertisements at materials na tila humihimok na gawing normal ang pagsusugal.
Idiniin ni Padilla na mabilis ngayon ang paglaganap ng mga sugal sa digital platforms at mas nagiging accessible na ito sa mga kabataan at mga vulnerable sectors.
Sinabi ng senador na kailangang sumabay ang mga batas sa pagbabago ng paraan sa advertising.
Maaari aniyang mabawasan ang gambling advertisements sa traditional media at billboards pero kung talamak ito sa social media at digital platforms, nababahala ang senador sa patuloy na pagkalantad ng publiko sa sugal.
Hiniling ni Padilla ang agad na pagapruba sa panukala at iginiit na mas malalim ang gambling sa digital space kaya dapat na tiyakin ng gobyerno na nakasasabay din ang safeguards at regulations sa online sugal.










