
Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at mga teritorial police sa isinagawang manhunt operation ang isang lalaking pugante sa Barangay Funda-Dalipe, San Jose, Antique.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Dan” 54 years old at nakalista bilang Number 1 Provincial Level- Most Wanted Person ng Antique at Number 3 Municipal Level- Most Wanted Person ng Tibiao.
Ayon sa ulat ng pulisya, noong 2016 ay binaril ng nasabing suspek ang lalaking kapitbahay nito gamit ang isang 12-gauge shotgun, pinukpok ng malaking bato sa ulo at makailang ulit na pinagsasaksak ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa dokumentasyon at disposisyon.
Facebook Comments










