
Umabot sa 453,360 ang kabuuang bilang ng mga dumalaw sa iba’t ibang sementeryo sa Lungsod ng Caloocan sa paggunita ng Undas.
Sa datos mula sa Caloocan City Disaster Risk Reduction and Management Department at Caloocan Public Information Office, pinakamaramimg bumisita ay sa apat na sementeryo sa North Caloocan na nasa 252,428.
Habang nasa 200,932 ang naitalang bilang sa apat din na sementeryo sa South Caloocan.
Sa pagtatapos ng Oplan Kaluluwa 2026, nagbabalik na rin sa regular na oras ang pagdalaw sa mga sementeryo.
Kung kaya’t dahil dito, pinapayuhan ang publiko na alamin ang visiting hours ng kani-kanilang sementeryo bago muling bumisita.
Ibinaba na rin ng Caloocan DRRMD sa white alert ang status sa lungsod habang idineklara rin na generally peaceful ang paggunita ng Undas.










