
Maghahain ng resolusyon si Senator Pia Cayetano para silipin ang insidente ng pagtapon ng isang pet crematorium ng 29 na mga patay na alagang hayop sa isang bakanteng lote sa Bulacan.
Maliban kasi rito ay ilan pang patay na alagang hayop ang sunod-sunod na natuklasan na itinapon din sa nasabing lugar.
Ayon kay Sen. Pia, ipasisiyasat niya in aid of legislation ang insidenteng ito na layong mapalakas pa ang mga umiiral na batas para sa karapatan ng mga hayop.
Binigyang-diin ng senadora na may karapatan ang mga pet owners na magdemand sa pagtupad ng kanilang binayarang serbisyo at humingi ng bayad-danyos sa pinsala at pagdurusang ibinigay sa mga pet parents.
Iba pa aniyang paglabag ang pagtatapon ng mga labi ng patay na hayop sa bakanteng lote dahil ito ay banta sa kalusugan at paglabag sa sanitation.










