
Para kay National Task Force for the West Philippine Sea spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela, ang bahagi ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa West Philippine Sea ang pinakatumatak sa buong talumpati.
Ayon kay Tarriela, naging malinaw ang matatag na paninindigan ng pangulo sa karapatan ng Pilipinas nang muli nitong igiit ang kahalagahan ng 2016 Arbitral Award.
Mahalaga rin aniya ang paalala ng pangulo na ang Pilipinas ay isang marangal na bansa na hindi uurong sa pagtatanggol sa soberanya at karapatan nito.
Pinuri rin ni Tarriela ang panawagan ni Pangulong Marcos sa lahat ng Pilipino na magkaisa sa kabila ng magkakaibang pananaw, dahil ang ipinaglalaban sa West Philippine Sea ay para rin sa mga susunod na henerasyon.
Dagdag pa niya, ang bahaging ito ng SONA ang nagsilbing “cherry on top” at umani ng isa sa pinakamalalakas na palakpakan mula sa mga dumalo.










