
Inulat ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang naging pagtatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Ito ay sa kabila ng pagkakaaresto sa 51 indibidwal na lumabag sa ilang lokal na ordinansa at batas, partikular ang pagva-vandal at pagtatakip ng mukha.
Naitala rin ang dalawang insidente ng pagkakarekober ng mga hinihinalang bomba sa Senado at sa Department of Justice (DOJ).
Samantala, ayon sa ulat ng PNP, wala namang naitalang untoward incident kaugnay ng nasabing aktibidad.
Facebook Comments










