
Inaalam na umano ng grupong Bayan ang dahilan sa nangyaring tensyon sa pagitan ng ilang raliyista at kapulisan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City ngayong Lunes, July 27.
Ayon kay Secretary General Mong Palatino, mukhang umabot na umano sa 45 ang naaresto ng kapulisan at mukhang dinala rin umano ang mga ito sa Camp Karingal.
Ayon pa kay Palatino ito umano ang unang beses na may bus ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lugar na pinagdarausan ng kilos-protesta.
Facebook Comments










