Monday, July 27, 2026

PBBM, handa na para sa kaniyang ika-limang SONA

Handa na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw, Hulyo 27.

Sa kanyang social media post, ipinasilip ng pangulo ang huling bahagi ng kaniyang paghahanda bago ang kanyang talumpati sa sambayanan.

Makikita rin sa video ang kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal na nangangasiwa sa SONA, pagrerepaso ng talumpati, at pag-eensayo sa podium.

Ayon kay Pangulong Marcos, magsisilbing ulat sa taumbayan ang kanyang SONA tungkol sa mga nagawa ng administrasyon sa nakalipas na isang taon, kabilang ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga hamong dulot nga “external forces.”

Sinabi naman ng pangulo na abangan na lamang kung tatalakayan niya ang patungkol sa flood control corruption.

Facebook Comments