Tuesday, June 23, 2026

PNP, inalerto ang disaster response unit nito habang pinalalakas ng Bagyong Francisco ang Habagat

Inilagay ng Philippine National Police (PNP) sa alerto ang mga emergency at disaster response unit nito para matiyak ang mabilis na pagtugon sa mga komunidad na posibleng maapektuhan ng Bagyong Francisco na pinatitindi rin ang epekto ng Habagat sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang pakikipagtulungan ng PNP sa mga lokal na pamahalaan para sa preemptive evacuations at iba pa operasyon para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga maaapektuhang komunidad.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA0 bagaman hindi inaasahang magla-landfall ang Bagyong Francisco, ay maaari nitong palakasin ang Habagat, na posibleng magdulot ng malalakas na pag-ulan.

Dahil dito, ito ang pangunahing pinaghahandaan ng mga unit ng pulisya kapag malalakas ang pag-ulan lalo na at karaniwang nagdudulot ito ng biglang pagbaha at pagguho ng lupa.

Hinimok naman ni Nartatez ang publiko na manatiling mapagmatyag at sundin ang mga opisyal na abiso habang nagbabago ang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.

Facebook Comments