
Pinapayuhan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Makati ang mga residente nila na huwag mag-panic.
Ito’y sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Pero, paalala ng Makati Local Government Unit (LGU) sa mga residente lalo na ang mga vulnerable sector na mag-ingat at manatiling alerto.
Nabatid na kadalasan ay mild symptoms lamang ng COVID-19 ang nararanasan kung saan nakakarekober din agad kapag may sapat na pahinga habang nasa bahay.
Pero, muling paalala ng Makati LGU na mas maigi pa rin magpakonsulta sa mga health centers at hospital ang mga nakatatanda, mga buntis lalo na ang mga indibidwal na may malubhang karamdaman kung may sintomas ng COVID-19.
Payo pa ng mga health official ng Makati, maghugas ng kamay, magsuot ng facemask kung may sintomas, at manatili sa bahay kung masama ang pakiramdam.










