Friday, July 17, 2026

Mental health at school safety programs, patuloy na pina-iigting ng DepEd

Patuloy na pinalalakas ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga programa para sa mental health at reporting system, na bahagi ng mas malawak na hakbang para mapanatili ang kaligtasan ng mga estudyante sa loob ng mga paaralan.

Ito ay matapos umano ang serye ng pagbabanta sa mga paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, na nagdulot ng pangamba sa publiko.

Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ay ang pagpapalawak ng mga helpline at reporting mechanism para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong; maging ang paglulunsad ng active attack safety drills, pagpapalakas ng school safety audit, kasama na rin ang paglalagay ng CCTV at metal detector sa mga paaralan.

Giit ni DepEd Secretary Sonny Angara, hindi lang umano dapat active shooting drills ang pagtuunan ng pansin kundi maging ang mental at emosyonal na kapakanan ng mga estudyante.

Sa kabilang banda, minamadali na rin umano ng ahensya ang pagha-hire ng aabot sa 10-K school counselor associates, matapos aprubahan ng civil service commission ang mga qualification standard nito.

Dagdag pa rito, ipatutupad din umano ng ahensya ang mas mahigpit na anti-bullying measures at social-emotional learning, para matulungan ang mga estudyante na malaman ang mga panganib at mahikayat sila na i-report agad ang mga insidente sa awtoridad.

Facebook Comments