
Nagkainitan sina Senator Raffy Tulfo at Senator Pia Cayetano sa gitna ng sesyon matapos akusahan ni Tulfo si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na hino-hostage ang membership ng mga Minority senators sa kanyang pinamumunuan na Committee on Public Services at Committee on Migrant Workers.
Ayon kay Tulfo, pabalik-balik ang kanyang staff sa opisina ng mga mambabatas ng minorya subalit hindi sila makatugon kung sasali sa komite dahil hindi umano pinapayagan o hinohostage ng Minority leader.
Gusto ng senador na kausapin ang lider ng oposisyon pero hindi naman pumasok si Cayetano.
Tumayo at agad na pinagtanggol ni Sen. Pia ang kapatid at sinabihan si Sen. Raffy na pwede naman siyang kausapin kung may gustong iparating sa minority leader.
Sinabihan ni Sen. Pia si Tulfo na huwag magdrama na agad namang sinagot ni Tulfo na hindi siya nagdrama kailanman at sabay hamon sa senadora na tumingin muna sa salamin bago magsalita.
Tinukoy naman ni Senate President Win Gatchalian na nasa 32 komite pa ang kailangang mapunan dahil sa kulang ang mga myembro.










