
Nanindigan si private prosecutor Atty. Amando Ligutan na walang malisya at masamang intensyon ang kanyang Facebook post na hindi pinapayagan ang misleading questions kahit sa cross examination.
Diin ni Ligutan, wala syang nilabag sa rules of court kaya wala syang plano na alisin ang kanyang post.
Katwiran ni Ligutan, nag-share lang sya ng sa kanyang Facebook page ng statement kung ano ang sinasabi ng batas at wala syang binanggit na pangalan o kaso.
Sabi ni Ligutan, nasa depensa kung sila ay tinamaan sa kanyang post at sorry kung ay tinamaan nga sya.
Reaksyon ito ni Ligutan makaraang ireklamo sa Impeachment Court ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison ang naturang Facebook post ni Ligutan.
Facebook Comments










