Friday, May 1, 2026

Malacanang, iginiit ang paninindigan kontra fake news kaugnay sa kaso ni Jay Sonza

Pinuri ng Presidential Communications Office (PCO) ang mabilis na pagkilos ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsasampa ng kaso at pag-aresto sa dating broadcaster na si Jay Sonza kaugnay ng umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PCO acting Secretary Dave Gomez, hindi palalampasin ng pamahalaan ang pagpapakalat ng kasinungalingan, lalo na kung pinagmumukha itong lehitimong balita.

Aniya, hindi simpleng opinyon ang fake news kundi panlilinlang na sumisira sa tiwala ng publiko at maaaring magdulot ng panganib.

Binigyang-diin din ng PCO na malaya ang pagpapahayag, ngunit may kaakibat itong pananagutan at hindi lisensya ang kalayaan para magsinungaling.

Sa ilalim ng Oplan Kontra Fake News, tiniyak ng PCO ang patuloy na pakikipagtulungan sa law enforcement, media, at online platforms upang tukuyin at papanagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.

Facebook Comments