Friday, May 1, 2026

LA UNION PPO, PINALAKAS ANG AKSES NG KOMUNIDAD SA MURANG PRODUKTO SA PAMAMAGITAN NG KADIWA NG PANGULO

Pinalakas ng La Union Police Provincial Office ang ugnayan nito sa komunidad sa pamamagitan ng paglalatag ng Kadiwa ng Pangulo stalls sa loob ng kanilang kampo noong April 30, 2026.

Pinangunahan ni Redentor C Ulsano, Provincial Director ng LUPPO, ang inisyatiba sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture at sa Agribusiness and Marketing Assistance Division. Layunin ng programa na mailapit sa publiko ang de-kalidad ngunit abot-kayang mga produkto.

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang yunit ng Philippine National Police National Support Units, gayundin ang Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1, at ang lokal na pamahalaan ng Barangay Carlatan.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay bahagi ng patuloy na programa ng pambansang pamahalaan na naglalayong bigyan ang mga mamimili ng direktang akses sa murang bilihin habang sinusuportahan ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyante sa pagpapalawak ng kanilang pamilihan.

Ang naturang hakbang ay hindi lamang umano nakatutulong sa ekonomiya ng lokal na komunidad kundi nagpapalakas din ng tiwala at kooperasyon sa pagitan ng pulisya at ng mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments