
Magandang balita para sa Palasyo ang pagbaba ng bilang ng mga pamilyang Pilipinong na itinuturing ang sarili bilang mahirap batay sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sinasalamin ng survey na nararamdaman ng mga benepisyaryo ang mga proyekto ng pamahalaan para tugunan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.
Dahil dito, mas lalo aniyang magsisikap ang administrasyon na paliwagin at magpatupad ng mga programang mag-a-angat ng buhay ng mga Pilipino.
Partikular na pagtutuunan ang proyekto sa social welfare, kabuhayan, at pagkain.
Batay sa OCTA Survey, bumbaba ang self-rated poverty at self-rated food poverty nitong Abril sa 42% at 35%, mula sa 50% at 49% noong November, 2024.
Facebook Comments