Wednesday, July 1, 2026

PNP-CIDG, tiniyak ang suporta sa pamilya ni Baterbonia

Tiniyak ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa pamilya ni Rene Baterbonia na nakasuporta at nakasubaybay ito sa kaso ng nasabing nasawing student-athlete.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico II, bukod sa nasabing suporta layon din ng nasabing pagpapatawag sa pamilya Baterbonia na maipalam ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Nabatid na nagtungo ang ina at ama ni Rene sa tanggapan ng CIDG sa Camp Crame Quezon City, kahapon.

Ayon pa kay Morico, ang nasabing open invitation ay hindi lamang para sa pamilya Baterbonia kundi pati na sa mga ahensya ng pamahalaan na nagiimbestiga rin sa nasabing insidente pati na ang school authorities ito ay para maipaalam ang resulta ng kanilang isinagawang imbestigasyon.

Matatandaan naman na inirekomenda ng CIDG sa Department of Justice (DOJ) na makasuhan ng hazing ang 11 indibidwal kabilang ang coaches at staff ng Ateneo Men’s Basketball Team kaugnay ng pagkasawi ng dalawang basketball players nito.

Nanawagan naman si Morico sa publiko na maging mabuti sa ibang mga manlalaro dahil biktima rin ang mga ito.

Facebook Comments