
Iginiit ni House Prosecution Panel spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi dapat maka-apekto sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ang mga rally hinggil sa plunder case na planong isampa kay Senator Rodante Marcoleta.
Ayon kay Adiong, nirerespeto ng House Presecution Team ang karapatan ng mga taga-suporta ni Marcoleta na magsagawa ng mapayapang pagtitipon at maglahad ng salooban.
Pero diin ni Adiong, hindi ito dapat maging rason at wala ding iba pang dahilan para hindi matuloy ang paglilitis kay VP Sara na nakatakdang simulan sa July 6.
Paliwanag ni Adiong, anumang development hinggil sa mga alegasyon kay Marcoleta ay walang kinalaman sa impeachment proceedings laban sa bise presidente.
Facebook Comments










