Friday, July 3, 2026

House Prosecution Panel, umapelang bigyan ng option ang private prosecutors na mai-cross-examine ang mga testigong ipiprisenta sa impeachment trial

Hiniling ng House Prosecution Panel sa Senate Impeachment Court na bigyan ng option ang mga private prosecutors na mai-cross-examine ang mga testigo na ipipresenta sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang nabanggit na request ay nakabatay sa mga naunang impeachment trial na nangyari sa bansa.

Tinukoy ni Adiong ang impeachment trial noon kina dating Pangulong Joseph Estrada at former Chief Justice Renato Corona kung saan nagkaroon ng malaking papel ang mga private prosecutors.

Dagdag pa ni Adiong, ang ganitong set-up ay magbibigay din ng kalayaan sa sa prosekusyon sa pagpipresenta ng kaso laban kay VP Duterte.

Facebook Comments