Friday, July 3, 2026

Pangako ni Senator Marcoleta na haharapin ang plunder case, dapat tuparin nya

Hinamon ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña si Senator Rodante Marcoleta na tuparin ang pangakong haharapin niya ang kasong plunder.

Diin ni Cendaña, hindi dapat magtago si Marcoleta.

Ipinunto ni Cendaña, na baka sa dulo ay gayahin lang ni Marcoleta si Vice President Sara Duterte na ayaw humarap sa kaso o kaya ay si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na tinatakasan ang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Mensahe ito ni Cendaña makaraang magsampa na ang Office of the Ombudsman ng plunder charges laban kay Marcoleta na nag-ugat sa pagtanggap nito ng P75 million campaign donations.

Ang naturang halaga ay hindi umano idineklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) at sa Statement of Contribution and Expenditure (SOCE).

Facebook Comments