Nagsagawa ng stocking activity ng hatchery-bred siganid o mas kilala bilang malaga at sea urchin juveniles sa mga net cage sa Hundred Islands National Park, kahapon ng umaga, Mayo 29, bilang bahagi ng mga hakbang para sa konserbasyon ng yamang-dagat at sustainable aquaculture.
Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang aktibidad katuwang ang mga kinauukulang tanggapan, na layuning palakasin ang marine resource enhancement at itaguyod ang mas makabagong paraan ng pag-aalaga at pagpaparami ng yamang-dagat.
Ayon sa mga tagapagtaguyod ng programa, bahagi ito ng inisyatiba para sa technology demonstration at pagpapalawak ng kaalaman ng mga komunidad hinggil sa pangangalaga ng karagatan.
Layunin din ng aktibidad na hikayatin ang iba’t ibang sektor na makiisa sa mga programang nakatuon sa marine conservation at sustainable livelihood sa baybaying-dagat.
Ang Hundred Islands National Park ay isa sa pangunahing tourist destination sa Pangasinan na patuloy na pinaiigting ang mga programang may kaugnayan sa marine conservation, research, at environmental education. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







