POPULATION AT HEALTH STRATEGIES SA ILOCOS REGION, MAS PAIIGTINGIN

Tinalakay ng Regional Population Advisory Board (RPAB) 1 ang mga isyung kaugnay ng population at health development sa Ilocos Region sa ginanap na pagpupulong noong Mayo 28, 2026.

Sa pulong, inilatag ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paunang resulta ng 2025 National Demographic and Health Survey (NDHS) na nagpapakita ng mga pagbabago sa demograpiko ng rehiyon, kabilang ang pagtaas ng bilang ng mga tumatandang populasyon.

Binigyang-diin ang pangangailangan ng mas pinalakas na serbisyo para sa kalusugan ng matatanda, responsableng family planning, adolescent health, at mas malawak na social protection programs.

Tinalakay rin ang usapin sa pagpapabuti ng serbisyo ng mga local population offices sa rehiyon kasabay ng panawagang palakasin ang kanilang kapasidad sa paghahatid ng mga programang pang-populasyon.

Nagkaroon din ng rekomendasyon na palawakin ang pagsasanay para sa Pre-Marriage Orientation and Counseling (PMOC) upang matugunan ang kakulangan ng accredited counselors sa ilang local government units.

Ayon sa mga opisyal, layunin ng mga hakbang na ito na mapabuti ang koordinasyon at paghahatid ng population at health services sa rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments