Malaking gastos sa political ads, pinabulaanan ni Senator Lacson

Pinabulaanan ni Partido Reporma Chairman at Standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Linggo ang isang ulat na siya ang top spender sa traditional media ads sa lahat ng presidential aspirants noong 2021.

Diin ni Lacson, imposible na gumastos sila ng halaga na wala naman sa kanila.

Tugon ito ni Lacson sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), na umaabot sa P915-M ang halagang nagastos ni Lacson sa kanyang media ads noong 2021.


Ayon sa PCIJ, ang mga numero na kanilang inulat ay base sa halaga na nakasaad sa published rate cards bago pa man bigyan ng diskwento ang campaign team ni Lacson.

Sabi ni Lacson, tinanong na rin niya ang kanyang campaign team, volunteers at mga supporters kaugnay sa report.

Ayon sa Senador, wala silang ganoong kalaking halaga ng salapi para gumastos ng napakalaki.

Facebook Comments