
Hahalungkatin sa Day 33 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mga malalaking financial at bank transactions nito sa pagharap ngayong umaga ng kinatawan mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Si Atty. Ronel Buenaventura, Executive Director ng AMLC ang testigo ngayong araw para sa mga malalaking transaksyon na ginawa umano ni VP Duterte.
Ngayon itutuloy ang paglalatag ng mga ebidensya at testimonya ng witness ng prosecution team mula sa AMLC matapos na humiling ang defense team ni VP Duterte ng sapat na panahon para maaral ang summaries ng financial transactions ng respondent.
Para sa buong linggong ito, bukod kay Buenaventura, naka-subpoena rin bilang testigo ng prosekusyon ang mga kinatawan ng pitong bangko, pitong insurance and financial companies at opisyal ng Bureau of Internal Revenue.
