Monday, June 22, 2026

Malalimang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban, iniutos ni PBBM; seguridad sa mga pampublikong lugar, paiigtingin!

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng 7.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, labis na ikinalulungkot ng pangulo ang insidente at nauunawaan nito ang matinding lungkot at pangamba ng mga magulang, pamilya ng mga biktima, at ng buong komunidad.

Dahil dito, inatasan ng pangulo ang mga awtoridad na higpitan ang seguridad sa mga paaralan at iba pang pampublikong lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan.

Pinuri rin ng Palasyo ang mabilis na pagkilos ng Philippine National Police (PNP) na agad nakahuli sa 2 mga suspek.

Facebook Comments