Manila Water, bukas sa imbestigasyon sa mga kinolektang fees para sa mga water projects

Welcome para sa Manila Water ang hamon ng Water for All Movement na imbestigahan ng bagong MWSS chairman ang mga kinolekta nila sa mga konsumidor ng tubig para sa mga water projects.

Ayon kay Jeric Sevilla, spokesperson ng Manila Water, wala silang nakikitang problema sa gagawing imbestigasyon dahil pagkakataon ito para ipaliwanag sa publiko ang mga nagawa na at ginagawang proyekto at hakbang ng Manila Water para sa sapat na suplay ng tubig sa East Zone ng Metro Manila.

Aniya, naisumite nila lahat sa MWSS ang kanilang nagawang mga water projects dahil dito ibinabatay ang kanilang hinihinging rate rebasing adjustment.


Nauna rito, iginiit ni RJ Javellana, convenor ng Water for All Movement ang pagkaroon ng independent audit  sa  mga  advance collections ng Manila Water at Maynilad.

Kabilang sa mga New Water Source Projects ay ang Wawa Dam 15 cubic meters per second, Angat Reliability Project at ang Laiban Dam.

Aniya, hindi sana dinaranas ngayon ang kakulangan ng supply ng tubig sa Kamaynilaan kung nagamit ng wasto ang ilang bilyong nakolekta simula 2002.

Facebook Comments