Wednesday, June 10, 2026

Partido Lakas ng Masa, nagprotesta sa labas ng Batasan Pambansa complex bilang protesta sa pagpapatibay ng Kamara sa panukalang Anti-Political Dynasty

Nagdaos ng kilos-protesta ang ilang grupo sa labas ng Batasan Pambansa sa Quezon City kanina sa harap ng inaasahang pagpapatibay ng Kamara sa panukalang Anti-Political Dynasty.

Kabilang sa mga nagrally ay mga miyembro ng Partido Lakas ng Masa (PLM) ay kanilang mga kasamahan.

Tinawag ng grupo na “Peke and Basura Bill” ang House Bill 8389 nina House Speaker Faustino Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos.

Dagdag ng mga grupo, ang naturang panukala ay pambubudol lamang sa masa.

Panawagan nila sa mga kongresista, aprubahan ang tunay na Anti-Political Dynasty Bill

Ayon kay Sonny Melencio ng PLM, maglulunsad sila ng People’s Initiative para makabuo ng isang totoo na Anti-Political Dynasty Bill.

Noong nakalipas na linggo, nakalusot na sa ikalawang pagbasa ang House Bill 8389 na nagsusulong na i-ban o maipagbawal ang pag-kandidato o humawak ng posisyon ng sabay sa parehong lugar o lokalidad ang magka-kaanak hanggang “second degree of consanguinity or affinity.”

Saklaw nito ang mag-asawa, magkapatid, mga anak at magulang hanggang sa mga lolo, lola at mga apo.

Facebook Comments