Marian Rivera, naglabas na ng saloobin sa isyung nakabuntis ang asawang si Dingdong Dantes

382

Naglabas na ng saloobin ang aktres na si Marian Rivera kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng asawang si Dingdong Dantes kamakailan.

Ito ay matapos maugnay ang aktor sa young actress na si Lindsay de Vera, kung saan siya ang tinutukoy sa isang blind item na nabuntis ni Dingdong.


Mariin naman itong itinanggi ni Lindsay at sinabing ikinonsulta niya sa kanyang abogado ang susunod na hakbang laban sa mga nagpakalat ng fake news.

Depensa ni Marian sa isyu, normal lang sa pag-aartista ang masangkot sa maraming haka-haka.

Pero wala naman aniyang katotohanan ang balita dahil laging nasa kanilang tahanan si Dingdong.

Sa ngayon, wish ni Marian sa mga mag-asawa mapashowbiz man o outside showbiz na pagtibayin na lamang ang kanilang pagmamahalan.




Facebook Comments