Wednesday, May 20, 2026

Rep. Pulong Duterte, mariing pumalag sa hirit na imbestigahan ang flood control projects sa Davao River at Matina River

Mariing pinalagan ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang hiling ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang umano’y kwestyunableng flood control projects sa Davao at Matina rivers mula 2019 hanggang 2022.

nakakatawa para kay Duterte na nais iparada ni Tinio ang sarili bilang crusader laban sa korapsyon at isyu ng baha sa Davao City lamang pero bulag ito sa pinakamalaking katiwalian sa kasaysayan sa ilalim ng administration ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., anak na si Rep. Sandro Marcos, at pinsan na si Rep. Martin Romualdez.

Malaking tanong para kay Rep. Pulong na hindi naghahain si Tinio ng reklamo laban sa mga engineers, contractors, at mga politiko na sangkot sa kwestyunableng flood control projects sa buong bansa.

Sa nakikita ni Congressman Pulong ay naging full-time anti-Duterte political operator na lang si Tinio ngayon sa halip na gampanan ang mandato nito na itaguyod ang kapakanan ng mga guro, sapat na silid-aralan at sweldo at kinabukasan ng mga estudyanteng pilipino.

Diin ni Tinio, malinaw sa record ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region XI na nakumpleto ang above-standard infrastructure projects sa Davao City mula 2020 hanggang 2022 na nagkakahalaga ng mahigit P49.8 billion.

Facebook Comments