Thursday, April 30, 2026

Pagsusumite ng mga kongresista ng SALN, deadline ngayong araw

Ngayong araw ang deadline sa pagsusumite ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng 318 mga kongresista na binubuo ng 254 na kinatawan ng mga distrito sa buong bansa at 64 na kinatawan ng party-list.

Kasama din sa obligadong magsumite ng SALN ang lahat ng empleyado at staff ng House of Representatives.

Batay ito sa abiso na inilabas ng House Records and Management System.

Ang pagsusumite ng SALN ay alinsundo sa Republic Act No. 6713 o “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ang SALN na dapat maisumite hanggang ngayong araw ay maglalaman ng mga kabuuang yaman ng mga taga-gobyerno hanggang noong December 2025 na kinabibilangan ng kanilang mga real properties, investments, cash-on-hand, stocks, at bank accounts.

Layunin ng taunang paghahain na tiyakin ang transparency at maiwasan ang katiwalian sa hanay ng mga lingkod-bayan.

Facebook Comments