
Dinepensahan ng Malacañang ang P50-bilyong budget ng Department of National Defense (DND) para sa 2027, na mas mataas ng 25 porsiyento kumpara sa P40 bilyong pondo ngayong taon.
Ito ay matapos hindi mapagbigyan ang hiling ng DND na P134 bilyon para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, prayoridad ng administrasyong Marcos ang pambansang seguridad at pagpapalakas ng kakayahan ng militar.
Gayunman, nilinaw ni Castro na hindi awtomatikong naibibigay ang buong pondong hinihiling ng isang ahensiya.
Isinasaalang-alang, aniya, sa paglalaan ng budget ang mga prayoridad at kakayahang pinansyal ng pamahalaan, kabilang ang pondong kayang gastusin para sa modernisasyon ng AFP.
Facebook Comments










