Mataas na Consumption Rate ng Bakuna sa Cagayan Valley, Naitala ng Pfizer Brand

Cauayan City, Isabela- Naitala naman ng Department of Health Region 2 ang 69.73% consumption rate kung saan ang Pfizer Brand ang may pinakamataas na umabot sa 97.95%,sinundan ng Sinovac na may 98.09% at Astrazeneca na 49%.

Ayon kay Janriel Lavadia, vaccination focal person mayroong 3, 232 na mga deferral dahil mayroon silang mga sintomas sa kanilang naka-iskedyul na pagbabakuna, ang ilan ay nahawaan ng virus at ang iba ay may exposure sa COVID-19.

Samantala,umabot naman sa 385 katao ang tumanggi na magpabakuna dahil sa paniniwala sa relihiyon o personal at takot na mabakunahan.


Umaasa naman ang ahensya na mas marami pang indibidwal ang mababakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments