
Sa nagpapatuloy na impeachment hearing ay tahasang inakusahan ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang pamilya Duterte, kabilang na si Vice President Sara Duterte na tumanggap ng milyun-milyong piso mula sa drug lord na si Sammy Uy.
Sa kanyang binasang sinumpaang salaysay ay sinabi ni Trillanes na umaabot sa 181.6 million na halaga ng checks na umano’y galing kay Uy ang naibigay sa mga Duterte.
Ayon kay Trillanes, binubuo ito ng tatlong tig-7.4 million pesos na cashier’s checks at personal checks na idineposito sa bank account ni VP Duterte noong 2011 at 2012.
Sabi ni Trillanes, P22.3 million nito ay napunta ay VP Duterte; P15.6 million kay dating Pangulong Rodrigo Duterte; P51.5 million kay Sebastian Duterte; P38.8 million kay Paolo Duterte at P53.2 million sa mag-inang sina Cielito S. Avanceña at Veronica Duterte.










