Monday, July 13, 2026

𝗣𝗛–𝗨.𝗦. 𝗙𝗢𝗥𝗖𝗘𝗦, 𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗨𝗠𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗟𝗘𝗥 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞 𝗔𝗖𝗖𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡

Cauayan City – Agad na rumesponde ang 17th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines kasama ang mga kawani ng U.S. military matapos ang aksidente ng isang trailer truck na may kargang semento malapit sa Cagayan North International Airport sa Lal-lo, Cagayan.

‎Ayon sa ulat, apat na biktima ang agad nabigyan ng paunang lunas at dinala sa ospital sa pamamagitan ng emergency medical services, habang dalawa pa ang na-trap sa loob ng sasakyan.

‎Matapos ma-rescue, agad silang sinuri ng medical personnel dahil sa malubhang kondisyon.

‎Dahil sa kritikal na kalagayan ng dalawang biktima, isinagawa ang agarang air evacuation gamit ang UH-60 Black Hawk patungo sa Fort Magsaysay para sa mas advanced na gamutan.

‎Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad kaugnay sa snahi ng insidente.

Facebook Comments