
Nakadiskubre na naman ng panibagong umano’y maltreatment sa loob Philippine National Police Academy (PNPA), kung saan dalawang kadete ang nakitaan ng pasa sa kanilang mga talampakan.
Ayon kay PNPA acting Director BGen. Redrico Maranan, ang nasabing insidente ay nadiskubre noong April 19 nang magsagawa ng body checking.
Nakita sa dalawang kadete ang coin-sized o kasing laki ng 25 centavo na mga pasa sa talampakan ng dalawang 3rd class cadets.
Kung saan lumalabas sa imbestigasyon, na tatlong beses na pinalo ng yantok ang mga nasabing biktimang cadets.
Sa ngayon ang dalawang upperclass cadets na gumawa nito ay nakakulong sa Silang Municipal Police Station.
Inaasahan naman na posibleng ma-dismissed at ma-terminate ang mga nasabing sangkot na kadete ngayong linggo habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.










